Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV News and Rescue, isa sa napili ng Rescue 116 ng Baggao, Cagayan upang magbigay ng motivation sa pagtulong sa kapwa

$
0
0

Ang pagbisita ng Rescue 116-Cagayan sa UNTV News and Rescue Headquarters upang makakuha karagdagang kaalaman at motibasyon sa paglilingkod sa kapwa. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Napili ng Rescue 116, isang rescue volunteer organization sa Baggao, Cagayan ang UNTV News and Rescue upang magbigay ng lecture para sa karagdagang kaalaman sa rescue operation kapag may kalamidad.

Mahigit tatlumpung miyembro ng Rescue 116 ang lumuwas ng Maynila para sa kanilang observation and study tour o lakbay aral.

Ayon kay Edgar Guillermo ng Baggao MDRRMO, isa ang UNTV News and Rescue sa napili ng Rescue 116 na puntahan upang makakuha ng mga ideya kung papaano pa nila mapapalakas ang kanilang grupo.

“Talagang pinili naming ang UNTV News and Rescue kasi sa mga bali-balita na maganda yung ginagawa ng news and rescue na sa lahat na kasuluk-sulukang bayan ay napupuntahan nila at nakakapagbigay ng tulong.”

Personal namang ipinakita ni UNTV News and Rescue Operations Manager Jeffrey Santos sa mga miyembro ng Rescue 116 ang ilan sa mga equipment na ginagamit ng news and rescue sa mga rescue operation.

Maging ang ilan sa mga skill ng news and rescue gaya ng firefighting ay ipinamalas din sa mga ito.

Ayon kay Guillermo, nagpapasalamat sila na nagkaroon ng pagkakataon na masubukan ang ilang technique sa rescue operations.

“Ito yung first time na nasubukan nila yung actual na paghawak ng hose kahit meron na kaming mga training pero ito talaga napakaganda at napakasaya,” saad ni Guillermo.

“We were able to show more we were able to isipin mo sa dalawang oras dapat nga nagtatlong oras pa tayo so it meant that they really have good time with us,” pahayag naman ni Jeffrey Santos.

Kaalinsabay nito ay nagpahayag din ang mga opisyal ng Rescue 116 ng mas pangmatagalang partnership sa ni UNTV News and Rescue pagdating sa rescue operation.

Bukas naman ang pamunuan ng news and rescue sa naturang panukala

Ayon kay Jeffrey, “UNTV is does not mean business we mean public service and that came from Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.” (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481