MANILA, Philippines — Bumuo na ng fact-finding committee ang Bulacan Provincial Police Office hinggil sa nangyaring hostage taking sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Sabado.
Ito ay upang malaman kung mayroong kapabayaan sa panig ng mga pulis na rumesponde matapos na masaksak ng suspek ang apat na taong gulang na bata na sya nitong ikinamatay.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Wilben Mayor, may operating procedures ang mga pulis sa pagharap sa hostage drama upang maprotektahan ang biktima at upang mapakalma ang suspek.
Samantala, sakaling mapatunayan na may kapabayaan sa panig ng pulis sa naganap na hostage taking, maaaring maharap ang mga ito sa ibat-ibang parusa. (UNTV News)