Ipinasasauli ng Korte Suprema sa gobyerno ng Pilipinas ang nasa 40-million dollars na halaga ng Arelma assets na pinaniniwalaang bahagi ng nakaw na yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang pinal na desisyon ng Korte Suprema at hindi na pinagbigyan ang magkahiwalay na apela ni Ginang Imelda Marcos at Senador Bongbong Marcos.
Sa desisyong sinulat ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, kinatigan ng Supreme Court Special Second Division ang desisyon ng Sandiganbayan noong 2009 na nagsasabing bahagi ng ill-gotten wealth ng mga Marcos ang naturang assets at dapat itong ibalik sa pamahalaan.
Taong 2000 nang ibinigay ng gobyerno ng Switzerland sa pamahalaan ng Pilipinas ang dalawang stock certificates ng Arelma. (UNTV News)