Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bayarin sa kuryente ngayong tag-init, posibleng tumaas ayon sa Meralco

$
0
0

(Left-Right) Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, Department of Energy Undersecretary Raul Aguilos and Meralco Utility and Economics Head Larry Fernandez
(MON JOCSON/UNTV News)

PASIG CITY, Philippines — Bagama’t walang kakulangan sa supply ng kuryente sa Luzon ngayong tag-init, tinataya na ang pagtaas ang konsumo nito.

Ayon sa Meralco, maaaring magkaroon ng epekto sa binabayarang electric bill ng mga consumer ang mataas na konsumo sa kuryente.

Pahayag ng tagapagsalita ng Meralco na si Ginoong Joe Zaldarriaga, “Historically, the summer months really drive the consumption up, given that situation that may impact on customers bills.”

Dagdag ng Meralco, normal itong sitwasyon kapag tag-init dahil mas malakas komonsumo ng kuryente ang mga tao.

Kung mas marami ang komokonsumo, maaari din itong makaapekto sa supply.

Kaya naman bilang paghahanda ay pinulong ng Meralco ang mahigit isang daang kumpanya na nagmamayri ng malalaking generator sets upang makiisa sa interruptible load program o ILP.

Naghahanda na ang Manila Electric Company o Meralco upang maseguro na hindi magkakaroon ng power interruption ngayong tag-init sa lahat ng customer nito.

Ang ILP ay isang programa ng Meralco, katulong ang malalaking commercial establishments.

Maaring gamitin ang mga generator set ng mga establishimento upang magkapagbigay ng kuryente sa mga consumer sakaling magkaroon ng kakulangan sa supply.

Subalit kapag ipinatupad ang ILP magkakaroon ito ng epekto sa electric bill ng mga consumers.

Ang isang bahay na komokonsumo ng 200kW kada buwan ay magkakaroon ng singkwenta sentimos na dagdag singil sa kanyang bill at tataas pa ito habang lumalaki din ang konsumo.

Subalit ayon sa Meralco, hindi naman ito ipapatupad hanggat hindi hinihingi ng pagkakataon.

“We will only activate it if theres an actual red alert  and the national grid wants us to start de-loading customers, so instead de-loading customers we will activate the ILP,”ani Meralco Utility and Economics Head Larry Fernandez.

Siniguro din ng Department of Energy na wala namang magiging problema sa supply ng kuryente sa buong Luzon ngayong summer lalo na at nasa kondisyon naman ang malalaking planta gaya ng Sual at Malaya Power Plant.

Ayon kay DOE USec. Raul Aguilos, “Ito na ang pinakahuli kung magkaroon na ng red alert ito ang pwede nating gamitin, but we are hoping na hindi ito mangyari na mapunta sa red alert.”

Ayon sa Meralco, kung sakaling ipatupad ang interruptible load program o ILP, hindi naman masyadong magiging malaki ang patong nito sa electric bill ng mga consumers subalit mas makakabuti pa din ang magtipid upang makaiwas sa malaking bayarin. (MON JOCSON /UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481