Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang mga bus huli sa Oplan Exodus ng LTFRB

$
0
0

OPLAN EXODUS. Ang isinagawang pag-i-inspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga bus terminal sa pangunguna ni Chairman Winston Ginez upang masiguro ang kaligtasan ng mga magsisiuwian ng mga probinsya ngayong long vacation. (MON JOCSON / UNTV News)

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes, araw araw nang magsasagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga bus terminal upang matiyak na na ang mga ito para sa mahabang byahe sa nalalapit na long holiday.

Nitong umaga ay kumpiskado ang plaka ng ilang mga bus sa isinagawang Oplan Exodus ng LTFRB.

Using of improvised plate ang violation ng isa sa mga bus ng Victory Liner; missing plate naman ang violation ng isang bus ng Bataan Transit.

Ayon sa LTFRB, mayroon itong kaukulang multa na dapat sagutin ng kumpanya.

Ang isang bus na mahuhuling walang plaka ay maaaring magmulta ng anim na libong piso. Ayon sa LTFRB, maituturing kasi ito bilang isang colorum o out of line na bus.

Bukod dito, sinita din ng LTFRB ang mga lumang bus dahil labag ito sa modernization program ng Department of Transportation and Communication kung saan hanggang labing limang taon lamang ang age limit ng mga public utility buses.

Pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez sa loob mismo ng isang lumang bus na sumailalim sa inspeksyon, “Ang year model nito ay 2011,  so kung titignan mo parang wala pang tatlong taon pero titignan mo naman yung bus, makita mo at inamin naman nila na imported bus ito at galing Korea, ito ang tinitignan namin ngayon, the way to circumvent the modernization policy yung mga imported ay talagang ginagawang year model is kung kailan dumating sa Pilipinas.”

Sinilip din ng LTFRB ang mga comfort rooms ng mga bus terminal.

Nagpaalala din ang ahensya sa mga driver at commuter sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pampleto.

Nakasaad dito ang ilang mahahalagang paalala gaya ng pagpapanatiling nakasara ang pinto ng mga bus habang bumibyahe tulad ng agbabawal sa overloading, paglalaan ng upuan para sa mga may kapansanan, matatanda at mga bata at wastong pananamit ng mga driver at konduktor.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga bus operator na maningil ng tamang pasahe batay sa taripa na inilabas ng ahensya.

Ayon sa terminal master ng Bataan Transit na si Diosdado dela Cruz, “Proteksyon natin sa mga mananakay natin yan, para sa gobyerno din yan, maraming mga bus hindi nagbabayad kaya tama lang na inspeksyunin mga terminal.”

Ngayong linggo ay nakatakda namang pulungin ng LTFRB ang mahigit limang daang mga bus operator na nag-apply ng special permits.

Layon ng pagpupulong na maipaalam sa mga bus operator ang mga kondisyon sa paggamit ng special permit. (MON JOCSON / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481