QUEZON CITY, Philippines — Tinanggal na sa serbisyo si P/Sr. Supt. Hansel Marantan at 12 iba pa kaugnay ng Atimonan shootout noong Enero, 2013.
Si Marantan ang itinuturong lider ng mga pulis na nagsagawa ng checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na ikinamatay ng 13 tao.
Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, base sa rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service, guilty sa kasong grave misconduct ang grupo nina Marantan kayat inalis ang mga ito sa serbisyo.
Sa desisyong pinirmahan ni PNP Chief Dir. General Allan Purisma, kabilang sa mga pinatawan ng dismissal from service sina:
1. Sr. Supt. Hansel Marantan
2. Supt. Ramon Balauag
3. Chief Insp. Grant Gollod
4. Sr. Insp. John Paolo Carracedo
5. Sr. Insp. Timoteo Orig
6. SPO3 Joselito de Guzman
7. SPO1 Carlo Cataquiz Jr.
8. SPO1 Arturo Sarmiento
9. PO3 Eduardo Oronan
10. PO2 Nelson Indal
11. PO2 Al Bhazar Jailani
12. PO2 Wryan Sardea
13. PO2 Rodel Talento
Pahayag ni PNP-PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, “We will have to take one step at a time kung ano rin ang legal remedies nila na employ kung wala naman, siyempre mapuputol na ang salary… This is administrative case without prejudice to the criminal case being filed against them.”
Ayon pa kay Sindac pinatawan naman ng one rank demotion ang limang iba pa na sina:
1. INSP Ferdinand Aguilar
2. INSP Evaristo San Juan (Ret.)
3. PO3 Benedict Dimayuga
4. PO2 Ronnie Serdeña
5. PO1 Esperdion Liquigan Corpuz
Habang anim na buwang suspensyon ang ipinataw sa dalawa pang pulis dahil sa kasong serious irregularity in the performance of duty.
1. PO1 Allen Ayobo
2. PO1 Bernie de Leon
Ini-akyat naman sa Napolcom ang kaso nina P/CSupt. James Melad na noon ay regional director ng Region 4-A at P/SSupt. Valeriano De Leon na noon ay provincial director ng Quezon dahil sa command responsibility.
Anang PNP-PIO Chief, “The case against P/CSupt. James Andres Melad and PSSupt. Valeriano Templo de Leon being presidential appointees was forwarded to the Naplocom for proper disposition.”
Base sa imbestigasyong isinagawa ng mga tauhan ng PNP-Internal Affairs Service at ng summary hearing board ang mga pulis ng tatlong magkakahiwalay na checkpoint na may pagitang mahigit 500-metro taliwas ay lumabag sa itinatakdang standard operating procedure ng police manual.
Hindi rin nakasuot ng uniporme ang mga ito at walang marka ng pulisya ang sasakyang ginamit maliban sa isang military vehicle na ginamit pangharang sa itim na Montero na sinasakyan ng suspected jueteng operator na si Vic Siman, ilang opisyal ng PNP at sibilyan. (LEA YLAGAN / UNTV News)