Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Komposisyon ng isang OFW, wagi sa April 2nd weekly finals ng ASOP

$
0
0
Si Allona sa pagbibigay buhay sa awiting nilikha ng isang Overseas Filipino Worker mula sa Kuwait na si Lyza Lyn Pajo. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Si Allona sa pagbibigay buhay sa awiting nilikha ng isang Overseas Filipino Worker mula sa Kuwait na si Lyza Lyn Pajo. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Ang papuring awit na likha ng isang Overseas Filipino Worker mula sa Kuwait na si Lyza Lyn Pajo ang tinanghal na “song of the week” sa A Song of Praise o ASOP Music Festival nitong Linggo.

Sa pamamagitan ng modernong komunikasyon napakinggan ni Lyza Lyn ang mga komento sa kanyang awit na “To You Alone” na binigyang buhay ng OPM Platinum Female Artist noong dekada nobenta na si Allona.

Pahayag ni Allona,  “Yes, I’m so happy na alam mo ‘yun, pumasok ‘yung song and then I didn’t expect  na babalik din pala ‘ko…yes, for the monthly finals.”

Tinalo ng naturang awit ang mga komposisyon nina Leonardo Calma na “Kapayapaan ng Puso” na inawit ng 1st Philippine Idol winner na si Mau Marcelo at ang kay Archie Noel Dela Paz na “I Believe in Love” sa rendisyon naman ng freestyle vocalist na si Ava Olivia Santos.

Kasama naman ni Doktor Musiko Mon del Rosario na umupo bilang hurado sina Ito Rapadas at Lolita Carbon. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Samantala, matapos maging interpreter sa ASOP ang OPM singer at songwriter na si Allona, nais naman nitong sumali bilang komposer sa susunod.

Dagdag pa ni Allona, “Sure! Maybe I’ll write a song for A Song of Praise and i think masaya ‘yun” (ADJES CARREON / UNTV News)

Ipinadinig rin ni Allona sa audience ang kanyang hit song na “Someone’s Always Sayin’ Goodbye” na naging dahilan upang maging certified platinum record ang kanyang album noong dekada nobenta. (FREDERICK ALVIOR / UNTV News)

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481