Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang Patriots at PNP Responders, wagi sa pagsisimula ng 2nd round elimination ng UNTV Cup season 2

$
0
0

Ang tinanghal na player of the game na si Patriots #7 Paul Yamamoto sa isang drive lay up attempt. (RUSSEL JULIO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng second round elimination ay nagtuos ang LGU Vangurads at Malacañang Patriots.

Nanalo ang Patriots ng 2 puntos kontra Vanguards sa score na 93-91.

Mainit pinasimulan ang labanan sa palitan ng 3 point shoots  nila besa, mesina at vijandre nagtapos ang 1st quarter na lamang ang patriots ng 7 puntos sa score na 24- 17.

Pagpasok ng second quarter nagpakawala ng tatlong 3 point shoots si Mayor  Tupas at sinamahan pa ito ng offensive attacks nila Adriano at Vijandre.

Lumamang ng isang puntos ang LGU sa pagtatapos ng 1st half sa score na 43-44.

Pagsapit ng final quarter pinataob ng tambalang Lucido-Yamamoto  ang Vijandre-Adriano at nakaabante ang patriots sa 93-91 na tagumapay kontra Vanguards.

Tinanghal na best player si Paul Yamamoto na may 17 points, 6 rebounds at 3 assist.

Bumagsak ang marka ng LGU sa 2-3 panalo talo habang ang Malacanang ay 4 wins at 1 loss.

Ani Yamamoto, “Team work lang communication offense and defense.”

Samantala, sa main game ay nag tapat  ang MMDA Black Wolves na nasa bandang ibaba ng group a standing laban sa PNP Responders na season 1 runner up at nasa top standing ng group B.

Nanalo ang responders laban sa Black Wolves sa scores na 75-61.

Sa pagsisimula ng bakbakan agad na umarangkada ang mga manlalaro ng responders na sila Omiping, Abaya at Abragan upang agad na makalamang ng 7 puntos sa Black Wolves sa score na 19-12.

Sa ikalawang yugto ay patuloy ang maalat na laro ng reinforcement player ng Black Wolves na si Cyril Santiago sa 0 out of 6 field goals nag tapos ang second quarter sa score na 33-26.

Sa 3rd quarter ay nag init ang running game ng mmda sa pangunguna nila Villanueva at Sanders, umaabot pa sa 11 points ang lamang ng Black Wolves sa huling 3 minuto, nagtapos ang 3rd quarter sa score na 52-55.

Sa huling yugto ng labanan ay namayagpag pa rin ang team work ng PNP Responders at bumaliktad ang momentum ng laro sa pangunguna ni Olan Omiping at Julius Criste nagtapos ang laban sa score na 75-61.
Si Criste na may 15 points, 3 assist at 3 steals ang player of the game. (MADELYN MILANA / Photoville International)

Bumagsak sa 2 wins at 3 losses ang MMDA Black Wolves at patuloy pa rin ang winning streak ng PNP Responders sa 5-0 panalo talo.

“Nagtiwala kami sa sinabi ni coach na i-run lang namin laro namin makakabalik kami wag kami mawala sa focus,” pahayag ng tinanghal na player of the game na si Julius Criste. (JP Ramirez, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481