Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbisita ni US Pres. Barrack Obama, pinaghahandaan na ng PNP

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III with U.S. President Barack Obama during a bilateral meeting held at the Grand Hyatt Hotel in Bali, Friday, November 18, 2011. (Malacañang Photo Bureau)

QUEZON CITY, Philippines — Isa ang Philippine National Police sa magbibigay ng seguridad sa pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa bansa ngayong April 28.

Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, ang Presidential Security Group ang lead agency ang mangangalaga sa seguridad ni Obama.

“As far as security is concerned, of course, the PSG and PNP will be only one of the security forces that will be assisting together with the AFP and others.”
Sinabi pa ni Sindac na wala naman silang namo-monitor na ano mang banta ngunit patuloy ang gagawin nilang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng Pangulo ng Amerika.

“Sa ngayon wala pa naman nakakalap na significabt threat sa visit pero continuing ang pag-validate ng nga impormasyon at intelligence at coordination.”

Idinagdag pa ni Sindac na hindi naman pipigilan na magpahayag ng kanilang saloobin ang mga militanteng grupo basta gagawin nila ito ng maayos at hindi makakaapekto sa kapayapaan ng bansa .

Gayunpaman, sinabi ni ng PNP-PIO Chief na handang-handa na rin ang kanilang civil disturbance management unit na magbabantay sa mga raliyista. (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481