Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

De Lima, iginiit na isa lamang ang listahan ng mga sangkot sa pork barrel scam na ibinigay ni Janet Napoles

$
0
0

(Left-Right) DOJ Sec. Leila De Lima and Whistle Blowers Association President Sandra Cam (UNTV News)

MANILA, Philippines — “The list of Sen. Lacson is almost the same ng listahan na nasa amin… I have to respect yung nagbigay sa akin ng details. Kawawa naman baka siya naman ang malagay sa alanganin.”

Ito ang pagbubunyag ni Sandra Cam, ang presidente ng Whistle Blower Association nitong Huwebes.

Ngunit kung may listahan mang hawak si Sandra Cam ng umano’y mga sangkot sa pork barrel scam sinabi ni DOJ Secretary Leila de Lima na isa lamang ang listahang ibinigay sa kanya ni Janet Lim Napoles.

Hinamon din ni De Lima ang mga ito na sabihin kung sino ang nagbigay sa kanila ng listahan.

“Isang listahan lang ang alam ko ang galing kay Mrs. Napoles ngayon tanungin natin ang those na mayroon listahan who exactly gave it to them I cannot exactly speak on behalf of Napoles camp kung sinu-sino ang binigyan nila o sino sa Napoles camp ang nagbigay si Mrs. Napoles ba mismo ang nagbigay.”

Umapela rin si Secretary De Lima sa mga nagsasabing ay hawak din ng listahan ng mga sangkot sa PDAF scam na huwag ng makialam dahil nagpapagulo lamang sila.

“Saan naman nila nakuha yun pwede ba huwag muna kayon makialam sino na naman kaya marami kasing nakikialam all thou I will ask the Napoles camp kung mga sinu-sino pa ang supposably ang may kopya pa o listahan so nagugulat ako sa mga ganyang balita na pati pala si Sandra Cam meron na,” ani Sec. Leila de Lima, Department of Justice.

I think ang mga ganyan kasi nagpapagulo pa yan.

Samantala sa kabila ng mga panawagan ng iba’t – ibang grupo, nanindigan ang kalihim na hindi nya muna ibubunyag ang mga pangalan na ibinigay ni Napoles sa kanya dahil kailangan muna nila itong mauring mabuti.

“It is definitely not prudent in our part it will be reckless irresponsible in our part kung I will bowing down to pressure from anyone any group demanding that I will disclose at this point, No — I will not do that  at this point kasi kailangang i-validate,” ani De Lima.

Nakatakda namang makipagpulong si Sec. De Lima sa mga wistle blower sa darating na Miyerkules o Huwebes. (BERNARD DADIS / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481