GINGOOG CITY, Philippines – Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang limang sundalo naman ang sugatan sa engkwentro sa pagitan ng dalawang panig sa Gingoog City, Misamis Oriental kahapon, Linggo.
Ayon kay AFP 4th Division Spokesman Major Leo Bongosia, nagsasagawa ng security patrol ang Philippine Marine Battalion landing team 3 upang matiyak ang seguridad ng eleksyon sa lugar nang makaengkwentro nila ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde.
Nauna nang itinaas ang red alert sa Northern Mindanao matapos ipagkatiwala ng COMELEC sa militar ang pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar ngayong araw ng halalan. (UNTV News)