MAGUINDANAO, Philippines – Patay ang isang district school supervisor habang sugatan naman ang kasama nitong school principal nang tambangan ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa SK Pendatun, Maguindanao, Linggo.
Ayon sa report ng 601 Infantry Brigade ng Philippine Army, alas-11:05 ng umaga kahapon nang tambangan sina Maguindanao school supervisor Abas Minsu at school principal Teng Magindra.
Ayon kay Maguindanao Election Officer Atty. Wasib Yasin, ang mga biktima ay nakatakda sanang magsilbing board of election inspectors (BEI) ngayong araw.
Kaugnay nito, mas hinigpitan pa ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao. (UNTV News)