Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Labor Day Job Fair ng DOLE, dinagsa ng libu-libong aplikante  

$
0
0
Ang ilan sa mga naging Job Fair na handog ng DOLE ngayong Labor Day (UNTV News)

Ang ilan sa mga naging Job Fair na handog ng DOLE ngayong Labor Day (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga job seeker ang job fair ng Department of Labor and Employment  (DOLE) sa SMX Convention Center sa Pasay City kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw, Huwebes.

Sa SMX Convention Center, mayroong 170 employers na naghahanap ng trabaho kung saan 58,000 trabaho ang iniaalok.

9,994 dito ay sa gobyerno, 13,608 sa lokal, habang nasa 35,000 job vacancies sa ibayong dagat.

Bukod sa SMX Center, mayroon ring isinagawang job fair sa iba’t ibang lugar sa NCR:

-           SM North Edsa

-           SM Mega Mall

-           SM Moa

-           SM Aura

-           SM Valenzuela

-           SM Fairview

-           SM Nova

-           SM Sta Mesa

-           SM Manila

-           SM San Lazaro

-           SM Pasig

-           SM Marikina

-           SM South Mall

-           SM Las Piñas

-           SM Sucat

-           SM Bicutan

-           SM BF Parañque

-           SM Muntinlupa

Samantala, kung marami ang on the spot ay nakakuha ng trabaho, marami rin ang nahirapang makahanap ng trabaho.

Gaya ni ni Michael Datulayta na may kursong Computer Science at nagho-home service sa pagkukumpuni ng mga computer. Dahil hindi sapat ang kinikita, nagpasya siyang maghanap ng employer sa unang pagkakataon.

Gayunpaman, dahil sa kanyang edad na 38 anyos, nahihirapan na siyang makahanap ng mapapasukan.

Karamihan aniya sa mga employer ay nagtakda ng age limit na 18-35 years old.

“Mahirap, sa ngayon nakailang job fair na ang napuntahan ko, kaya try and try lang ako,” saad ni Datulayta.

Si Arianne Palomada naman, fresh graduate sa kursong Business Administration at nagbakasakali ring makakahanap ng trabaho kaya nagtungo siya sa job fair.

Ayon kay Arianne, ilang job fair na rin ang kanyang napuntahan subalit hindi pa rin siya nakakahanap ng trabaho.

Sa ngayon ay nais niyang makapasok sa trabahong angkop  sa natapos niyang kurso.

Aniya, lahat halos ng employer na kanyang inaaplayan ay naghahanap ng aplikante na mayroon nang job experience.

“Mahirap po kasi mataas ang expectation nila sa mga nagaapply ng trabaho.”

Ayon kay DOLE Director, Nikin Fameronag, naiintindihan nila na mahigpit sa kuwalipikasyon ang ilang employer subalit pinakusapan nila ang mga ito na bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan natin na first time na naghahanap ng trabaho.

“Ang sinasabi ni Secretary Baldo, pag ang isang aplikante ay near hire na at ang requirement that needed can already be obtained in the work place we are urging them to do so,” pahayag nito. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481