QUEZON CITY, Philippines — Isang motorcycle accident ang naganap sa Congressional Avenue, Quezon City pasado alas-4 ng madaling araw nitong Huwebes.
Agad namang rumesponde at nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na sumalpok sa isang poste.
Sa tindi ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo.
Nagtamo ng bukol sa kanang noo, pasa at nagsusuka ng dugo ang 41 anyos na si Emil Gingco, taga-Pulilan, Bulacan.
Pauwi na umano ang biktima galing sa isang salo-salo nang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa poste ng kuryente.
Agad namang dinala ng grupo ang pasyente sa East Avenue Medical Center. (UNTV News)