Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Saudi Health Ministry, nagbabala sa mga residente na umiwas muna sa mga kamelyo  at iba pang camel products

$
0
0

FILE PHOTO: Isang kamelyo o camel na hatak ng isang Arabo. Ngayon ay pinaiiwas muna ng Saudi Health Ministry ang mga residente sa mga kamelyo at iba pang camel products kaugnay pa rin ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus o MERS CoV. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pinapayuhan ng Saudi Arabia Ministry of Health ang mga residente ng bansa na umiwas muna sa mga hayop partikular sa mga kamelyo dahil sa posibleng infection ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ang naturang virus ay pinaniniwalaang nagmula sa mga patay na paniki at kamelyo.

“There has been a consensus in the discussions taking place for the last two days after the scientific team have reviewed the various evidence that it is advised to not to get in close contact with camels, especially sick camels,” pahayag ni Adel Fakeih, Saudi Arabia Acting Health Minister.

Bagama’t hindi pa kumpirmadong nagmula ang virus sa mga kamelyo, pinayuhan na ng Saudi ang kanilang mga residente na umiwas na rin sa pag-inom ng gatas o pagkain ng karne ng kamelyo at hugasan ang kamay matapos humawak ng hilaw na karne.

Sa ngayon ay umabot na sa 107 ang nasawi sa MERS-CoV sa Saudi Arabia.

Matapos naman na maitala ang anim pang panibagong mga nabiktima, umabot na ngayon sa 345 ang mga nadiagnose na positibo sa nakamamatay na sakit.

At dahil sa pangamba ng coronavirus sa Saudi, tumaas naman ngayon ang demand sa mga antibiotics, face masks at vitamins. Ayon sa Jeddah Chamber of Commerce, nagkaroon ng 30-porisyentong kakulangan ang mga naturang produkto sa ilang pharmaceutical companies sa naturang bansa.

Sinisikap na ng health authority ng Saudi na magpakalat ng kaalaman sa MERS-CoV upang mapigilan ang pagkalat nito. Ngunit habang wala pang lunas na natutuklasan ang mga eksperto ukol dito, ibayong pag-iingat pa rin ang ibinabala ng embahada ng Pilipinas sa mga residenteng Pilipino doon.

Inirerekomenda ang palagiang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, pagkain ng masusustansyang pagkain, pageehersisyo at pag-iwas sa mga matataong lugar. (Jude Abarquez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481