Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Epekto ng El Niño phenomenon, posibleng tumagal hanggang 2015

$
0
0

FILE PHOTO: Isang runner na nagpapahinga sa lilim ng puno sa isang umagang tirik ang araw. Ayon sa PAGASA ang epekto ng El Niño phenomenon ay posibleng tumagal hanggang 2015. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Maaring umabot pa hanggang sa first quarter ng 2015 ang magiging epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Hunyo pa ngayon taon maguumpisa ang El Niño phenomenon at makararanas na ng mas kaunting pag-ulan .

Gayunpaman, mas mararamdaman ito mula Oktubre o sa huling bahagi ng 2014 at tatagal ng Hanggang Marso 2015.

Bukod sa kakaunti ang magiging mga pag-ulan, maiimpluwensyahan din ng El Niño phenomenon ang track ng bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

“Ang pine-predict nating peak ay October to December. Ang mga bagyo during this period madalas nagla-landfall siya sa Visayas at Mindanao. So ang ine-expect natin ngayon made-deviate yung track ng bagyo tataas siya. Ang track niya ay further north of the Philippines pwedeng sa Luzon,” saad ni Dr. Flaviana Hilario, Acting Deputy Administrator for Research ng PAGASA.

Tinukoy ng PAGASA ang Visayas at Mindanao sa mga lugar na makararanas ng mas kaunting mga pagulan.

“So bandang sa Visayas nandoon na yung below normal rainfall na ine-expect natin. In terms of the usual impact of El Niño na less rains than normal, by October medyo makikita na yung impact.”

Ayon pa kay Hilario, inaasahan din ang mas malalakas na bagyo sa panahon na umiiral ang El Niño.

Aniya, “Mas maraming intense o more than 150km/ hr na bagyo medyo malalakas parang typhoon strength, mas marami during El Niño.”

Sa ngayon ay inabisuhan na ng PAGASA ang mga namamahala sa mga pangunahing dam sa bansa upang makapag-imbak ng sapat na tubig habang pinayuhan naman ang publiko na magtipid sa konsumo sa tubig. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481