Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

De Lima, nakipagpulong sa mga whistleblower kaugnay sa pagtestigo ni Napoles  

$
0
0

FILE PHOTO: Si Department of Justice Secretary na gitna nina PDAF / Pork Barrel Scam whistleblowers Benhur Luy at Dennis “Decu” Cunanan ng TRC sa isang Senate hearing. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pinulong ni Justice Secretary Leila De Lima ang mga whistleblower sa pork barrel scam kaugnay ng pagkabahala at pagtutol ng mga ito na maging testigo sa kaso si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa Kalihim, ipinaliwanag niya kina Benhur Luy at iba pang whistleblower ang layon ng kanyang pakikipagusap kay Napoles sa ospital ng Makati noong Abril 21.

“I assure them na dadaan pa nga sa vetting process yung mga makukuha naming impormasyon from Mrs. Napoles and that sila nga yung mga una naming tatanungin as part of the vetting process.”

Ayon pa kay De Lima, sang-ayon sina Benhur Luy sa prosesong isasagawa upang masuri  kung totoo nga ang nilalaman ng testimonya ni Napoles.

Pinabulaanan rin nito ang lumabas na balitang gusto nang umalis nina Luy sa pagiging testigo sa pork barrel scam.

Tumanggi naman ang kalihim na ihayag ang iba pang napagusapan sa pulong.

Ayon sa isa sa mga abogado ng mga whistleblower, buo ang kanilang suporta sa mga hakbang na ginagawa ng Department of Justice.

“Yung concerns po nila, na-express na nila the last time. Pero for now full support sila sa continuing efforts ng DOJ to continue the investigation kung saan man mapunta,” pahayag ni Atty. Stephen Cascolan, isa sa mga abogado ng whistleblowers.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng DOJ na mabuo ang testimonya ni Napoles upang masimulan na ang pagsusuri kung totoo ang nilalaman ng mga ito. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481