Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lalaking nabangga ng bus sa EDSA, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang motorcycle rider na naaksidente nitong Linggo ng hapon sa area ng EDSA-Balintawak habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Duguan ang isang motorcycle rider nang maabutan ng UNTV News and Rescue Team sa may waiting shed sa bahagi ng EDSA Balintawak, Quezon City, ala-1:20 ng hapon nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Julius Binuya na taga Nueva Ecija.

Ayon kay MMDA Traffic Constable Felix Nisperos, nabangga ng isang provincial bus sa EDSA-Balintawak si Binuya nang bigla umanong huminto sa harapan ng bus.

“Bigla raw siyang tumigil kaya siyempre siguro sa bilis ng takbo niya sa bigat na dala niya na sasakyan na mga pasahero hindi makuhang agad magpreno.”

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nawasak ang motorsiklo ng biktima.

Bahagya namang nayupi ang harapan ng bus.

Agad naman itong nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantala sa Cebu naman, tinulungan din ng UNTV News and Rescue Team ang isang construction worker sa isang mall sa Mandaue City na tinamaan ng grinder sa kamay, pasado alas-9 ng umaga kanina, Lunes.

Kinilala ang biktima na si Esteban Mercader, 25 anyos, nakatira sa Lahug, Cebu City.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang tinamong sugat sa kamay ni Mercader upang matigil ang pagdudugo at agad isinugod sa Mandaue City Hospital.

Tinulungan din ng  UNTV News and Rescue Team na maisugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang isang batang babae matapos malunod sa karagatang sakop ng bayan ng Liloan kahapon ng hapon, Linggo.

Nagsasagawa ng water rescue seminar at training ang UNTV Cebu News and Rescue Team sa lugar nang mangyari ang insidente kaya agad silang nakaresponde.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa ospital ang bata na kinilalang si Johana Zapanta, 3 taong gulang. (UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481