Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Composer ng ASOP weekly winner, natupad ang pangarap

$
0
0

Ang composer at interpreter na sina Jesse Bayodoc at Walton Zerrudo para sa tinanghal na ASOP Song of the Week na “Panginoon, Kay Buti Mo”. (MADELINE MILANA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Naging emosyonal si Jesse Bayodoc, ang kompositor ng awiting “Panginoon, Kay Buti Mo” na nanalong entry sa weekly elimination round ng A Song of Praise Music Festival, Linggo ng gabi.

Sa kabila ng kapansanan sa paningin ni Jesse, ipinagpasalamat pa rin nito ng lubos sa Dios ang kalagayan kaya’t naisulat niya ang awiting “Panginoon, Kay Buti Mo.”

“Naiyak po kasi natupad ‘yung pangarap ko na awitan Siya sa harap ng mga tao tapos ayun po… nanalo pa kaya napaiyak po ako sa tuwa,” pahayag nito.

Nadama ng mga huradong sina Jimmy Morato, Jessa Zaragoza at Mon Del Rosario ang sinseridad ni Jesse sa pagkakalikha ng naturang awit. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Nakatulong rin ang rendisyon ng mang-aawit na si Walton Zerrudo na maihatid ang mensahe ng awit.

Matapos naman ang programa, ipinatawag pa ng huradong si Jessa Zaragoza si Jesse upang batiin at i-oofer ang serbisyo na awitin ang mga komposisyon nito ng libre.

“Karangalan ko po na siya po ang umawit po kung sakali pong ganun po… nagpapasalamat po ako dahil ‘yun po… binigyan po ako  ng pagkakataon na …kahit papaano po nakausap ko rin po siya… salamat po,” saad nito.

Tinalo ng “Panginoon, Kay Buti Mo” ang mga awiting “Sa Iyong Kamay” ni Jun Rey Decastillo na inawit ni Jerome Abalos at “Thanks for Everything” ni Febs Colibao na binigyang buhay naman ni ASOP year 1 Grand Finals interpreter Jeffrey Hidalgo na muling ipinadinig ang kanyang inawit dito na “The Sweetest Moment”

Muling sasalang ang obra ni Jesse Bayodoc sa monthly finals para sa buwan ng Mayo. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481