Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpasa sa Bangsamoro Basic Law, pinamamadali sa Kongreso

$
0
0

Ilan sa mga kababaihang Muslim na naghahangad ng mabilis na pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi na napigilan ng grupo ng mga kababaihang Muslim na maiyak habang nananawagan sa Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law.

Ang Filipino Muslim Association ay samahan ng mga kababihang muslim na ang ilan ay namatayan ng asawa dahil sa kaguluhan sa Mindanao at tumakas sa lugar para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Ayon kay Normina Mohamad, isa sa mga pinuno ng grupo, ang Bangsamoro Basic Law ang nakikita nilang sasagot sa ilang dekadang gulo at karahasan sa kanilang bayan.

“Ngayon taon na ito gusto naming makita ang aming kapayapaan sa Mindanao lahat ng nangyayari sa Mindanao kasama kami. Lahat ng naririnig namin na namamatay na mga kaibigan namin masakit sa amin pero wala kami magagawa.”

Sa mababang kapulungan ng kongreso naman nakaabang ang ilang mambabatas kung kailan pormal na ihahain ang Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay BAYAN MUNA Party-List Representative Carlos Zarate, tiyak nilang mamadaliin ng administrasyon ang pagpasa nito dahil ito ay itinuturing na isa sa magiging legacy ni Pangulong Aquino.

Gayunman, babantayan nila ang bawat pasikot-sikot nito upang matiyak na hindi malalabag ang konstitusyon ng bansa.

“May espesyal talaga na pagtingin dito but on our part naman aktibo kaming makikipagdebate diyan dahil hindi porke gusto madaliin ito ay hindi na gagalaw ang makabayan na titignan ano ba ang laman ng Bangsamoro Basic Law,” pahayag ni Zarate.

Samantala, sinabi naman ni PCOO Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na sa ngayon ay  kasalukuyan pa rin nilang pinagaaralan ang Bangsamoro Basic Law bago tuluyang ihain sa Kongreso.

“This review ensures meticulous and circumspect evaluation that each provision that proposed Bangsamoro Basic Law conforms to the constitution and the signed agreement.”

Sakaling ihain sa mababang kapulungan ng kongreso ang Bangsamoro Basic Law ito ay dadaan sa proseso gaya ng isang regular na panukalang batas.

Isasalang sa committee hearing, saka pagdedebatehan sa plenaryo bago tuluyang ipasa ng Kamara. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481