Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Truck holiday sa Manila Port Area, muling ipinatupad ng mga driver at pahinante  

$
0
0

Ang muling pagsasagawa ng truck holiday sa Manila Port Area nitong Lunes, May 05, 2014 sa patuloy na pagtutol ng mga driver, pahinante at truck operator sa ipinatutupad ng Manila City government na daytime truck ban. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Muling nagsagawa ng truck holiday ang mga driver at pahinante ngayong araw, Lunes bilang pagtutol sa day time truck ban ng Manila City government.

Kanina, hinarang ng mahigit 30 driver at mga pahinante ang mga truck na dumaraan sa South Port Gate-7.

Ayon kay Abraham Rebau, VP for Transport ng Aduana Business Club, hiling nila na sanay makialam na ang pamahalaang Aquino dahil ekonomiya na ng bansa ang naaapektuhan ng City Ordinance 8336 na ipinatupad simula pa noong Pebrero.

“Ang hinihiling namin na irecall o i-repel ang CO 8336 ay hindi na po mangyayari, so ang hinihiling na lang namin ngayon sa national government, imodify na lang ito. Bigyan kami ng 24/7 na truck lane para maayos at lumuwag ang port.”

Ayon sa kanilang grupo, malaki ang posibilidad na magsara ang north and south harbor dahil unti-unti na itong napupuno ng mga container.

“Ang aming estimate dito within this week siguro baka magsasara na ang dalawang ports, kasi malubha na ang kalagayan, wala ng espasyo na mapaglalagayan. We will have to close, not because we want to close but because of the lack of space to operate, napupuno na ng container ang mga pwerto,” pahayag ni Samson Gabisan, Aduana Business Club

Bukod dito, hindi rin sila pabor sa penalty na umaabot ng P4,500 hanggang P9,000 dahil sa towing.

Anila, marami nang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkaparalisa ng delivery ng mga raw materials na nasa loob ng dalawang port.

“Kapag nagsara na yan manahimik na rin kami, pero habang ngayon na may magagawa tayo, magsasalita tayo, magingay tayo habang may magagawa pero kapag wala nang magawa eh kami naman ay aalis na rin dito,” saad pa ni Gabisa. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481