Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

#ScrapPork Network, hinihikayat si Sec. De Lima na ihayag ang laman ng listahan ni Napoles

$
0
0
Ang ilan sa mga kaanib sa #ScrapPork Network na humihiling kay Department of Justice Secretary Leila De Lima na ilabas ang listahan ng mga isinasangkot sa Pork Barrel Scam na ibinigay ni Janet Lim Napoles. (UNTV News)

Ang ilan sa mga kaanib sa #ScrapPork Network na humihiling kay Department of Justice Secretary Leila De Lima na ilabas ang listahan ng mga isinasangkot sa Pork Barrel Scam na ibinigay ni Janet Lim Napoles. (UNTV News)

MANILA, Philippines — DOJ Sec. Leila De Lima: “Ang pinakatrabaho ko lang yung i-validate, titingnan kung alin sa mga pangalan na iyan, ang may tunay na batayan, sa sinasabi ni mrs. Napoles, kung alin diyan, ang may aasahan tayong may ebidensya, kung alin diyan ang malalabo at alin diyan ang totally wala…”

Ito ang mariing pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima, matapos ang sunud-sunod na pamimilit o pag-pressure sa kaniya ng mga civil society group at ilang pulitiko na isa-publiko ang kontrobersyal na affidavit ni Janet Lim Napoles.

Kanina, muling naghain ng pormal na sulat ang #ScrapPork network kasama ang mga kinatawan ng iba pang grupo sa DOJ.

Anila, binibilang nila ang bawat araw na lumilipas matapos na personal na kausapin ni Janet Lim Napoles si Justice Secretary De Lima upang ipahayag ang kagustuhan nitong sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman sa P10-bilyong pork barrel scam.

Dagdag pa ng mga ito, karapatan ng taumbayang malaman agad kung ano ang totoo.

Pahayag ng tagapagsalita #ScrapPork Network na si Michelle Estor, “Ang impormasyon na kay Sec. De Lima, habang hindi natin alam kung ano itong impormasyong ito, mananatili tayo na nasa dilim, lahat dito ay may tanong at may suspiscion…”

Ngunit, paliwanag naman ni Secretary Leila de Lima, kailangan niyang gawin ang kaniyang tungkuling siya sating mabuti at kumpletuhin ang mga batayan sa mga impormasyong ibinigay sa kaniyang ni Mrs. Napoles.

“Kasi kami rin ang tatanungin niyan, totoo ba yang mga yan? Chineck ninyo ba kung totoo ang mga sinabi o sinasabi ni Napoles? dahil I’m sure people wouldn’t want me to just take her word for it…” paliwanag ng Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan. (ROSALIE COZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481