TAGUIG City, Philippines — Tinatayang nasa mahigit sampu ang nasugatan sa sunog sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio.
Ayon kay Army Spokesperson Captain Anthony Bacus, nagsimula ang sunog sa Explosives Ordnance Division ng support command ng AFP bandang alas-10 ng umaga.
May mga naganap ding pagsabog habang nasusunog ang gusali.
Bukod pa rito may mga napaulat rin umanong nagliparangmga bala at ilang piraso ng hinihinalang armas sa lugar.
Samantala, idineklara namang under control ang sunog na umakyat sa ikatlong alarma makalipas ang halos isang oras. (UNTV News)