Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Master plan ng itatayong bagong Tacloban City, iprenisinta sa media

$
0
0
FILE PHOTO: Ang UNTV News and Rescue Team kasama ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng retrieval operation sa bahaging ito ng Tacloban City ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Pagkatapos ng kalahating taon ay inilatag na ng Tacloban City Gove ang master plan sa paglilipat ng lugar ng bagong Tacloban City. (DEXTER NAVARRA / Phtoville International)

FILE PHOTO: Ang UNTV News and Rescue Team kasama ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng retrieval operation sa bahaging ito ng Tacloban City ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Pagkatapos ng kalahating taon ay inilatag na ng Tacloban City Gove ang master plan sa paglilipat ng lugar ng bagong Tacloban City. (DEXTER NAVARRA / Phtoville International)

TACLOBAN CITY, Philippines — Anim na buwan mataopos manalasa ang Bagyong Yolanda sa Region VIII, ibinahagi ng Local Government Unit (LGU) sa media ang master plan para sa paglilipat ng lugar ng bagong Tacloban City.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan na matapos ang pag-develop sa walong ektaryang lupain sa hilagang bahagi ng Tacloban na pagtatayuan ng township villages, permanent houses, maging ang ilang itatayong business centers, eskwelahan, ospital at iba pang establisyemento.

Sa phase one ng proyekto itatayo ang mga bahay ng mga taga San Jose na malubhang napinsala ng Bagyong Yolanda.

“So its now telling the people that what we experience what we can contribute and hopefully they can help us and we will continually campaign and show people and tell people to be aware,” pahayag ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Plano naman ng city government na taniman ng mangroves at iba’t-ibang punongkahoy ang mga coastal barangay ng Tacloban bilang pananggalang sa anumang kalamidad.

Maglalagay din sa lugar ng water recreation zones o mariculture economic zones. Ang pantalan naman sa may downtown area ay lalagyan ng bay walk.

Nakapaloob rin sa masterplan ang road widening sa Maharlika Highway. Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawin na itong four lanes mula San Juanico Bridge hanggang Campetic Palo, Leyte.

Samantala, nilinaw naman ni Mayor Romualdez na mas prayoridad nilang mabigyan ng pondo ang shelter program ng lokal na pamahalaan kaysa sa pagsasaayos ng mga street lights sa buong siyudad.

Aniya, ”Bago ako naging mayor nakita ko yong ginastos nila doon mahigit P25 million just to put lights all over the city, now if your ask me if I have P25 million I put it in shelters muna.”

Target ng city government na matapos ang rebuilding ng buong Tacloban City sa loob ng lima hanggang sampung taon depende sa tulong na magmumula sa national government. (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481