Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sandra Cam, dumulog sa Korte Suprema

$
0
0

Ang pagdulog ni Whistleblowers Association of the Philippines President Sandra Cam sa Korte Suprema upang humingi ng saklolo dahil sa umano’y paniniktik sa kanya ng mga tauhan ng gobyerno. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Dumulog sa Korte Suprema si Sandra Cam, ang lider ng Whistleblowers Association of the Philippines upang magpasaklolo kaugnay ng umano’y paniniktik sa kanya ng mga tauhan ng gobyerno.

Sa inihain nitong writ of habeas data petition, sinabi ni Cam na unang hakbang ito ng kanilang grupo upang tiyakin ang kanyang kaligtasan.

“Kasi mahirap lumaban, laban tayo ng laban kung hindi naman secured ang ating sarili. So this way, nobody can stop me, not to tell the truth to the Filipino people.”

Hinihiling ni Cam na utusan ng korte sina DAR Asst. Secretary Alex Almario, driver nitong si Marlon Mahilum at iba pang hindi nakilalang mga indibidwal na itigil ang surveillance o pagmamanman sa kanyang pansamantalang tinutuluyan sa Nazareth Institute of Alfonzo sa Cavite.

Kwento ni Cam, mula Abril 30 hanggang Mayo 3, 214 ay namataang umaali-aligid sa naturang paaralan ang isang puting Toyota Innova at isang itim na pick up.

Personal pa umanong nagtungo si Asec. Almario sa kanyang bahay noong Abril 30 at nagiwan pa ng calling card.

Nais umano ni Almario na makausap siya tungkol sa pagkakaroon niya ng listahan ng mga idinadawit ni Janet Lim-Napoles sa pork barrel scam.

“Tinanong ko siya direkta, ano ang agenda mo? Ang sabi niya, gusto lang niyang mangumusta sa isang kababayan. Kayo can you buy that answer,” pahayag pa ni Cam.

Hinihiling din nito sa Supreme Court na utusan si Almario na magpaliwanag sa totoong pakay nito sa pagbisita sa kanyang lugar.

Samantala, posibleng ituloy naman ng grupo ni Sandra Cam sa susunod na linggo ang paghahain ng petition for mandamus upang utusan ng Korte Suprema si Secretary Leila De Lima na ilabas na ang listahang bigay ni pork barrel queen Janet Lim-Napoles. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481