Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nasunog na gusali ng Philippine Army, ligtas na sa panganib — BFP

$
0
0

Ang naganap na sunog nitong Miyerkules sa isang gusali sa Fort Bonifacio. (ROY LANUZA / PHOTOVILLE International)

TAGUIG CITY, Philippines — Idineklara ng Taguig Bureau of Fire Protection (BFP) na wala ng panganib sa paligid ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) unit ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City matapos na masunog at magkaroon ng mga pagsabog nitong Miyerkules.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Noel Detoyato, ala-7:30 kaninang umaga natapos ang panelling o inspection sa paligid ng armory sa pangunguna ng Explosive Ordnance Disposal unit ng Philippine Army.

“Since last night they were wearing bomb suits para i-panel at i-clear itong of any explosive.”

Alas-8 naman ng umaga kanina nang bumalik sa compound ng Philippine Army ang Taguig BFP at kinumpirma na wala ng panganib sa lugar.

Samantala, umakyat naman sa 32 ang bilang ng nasugatan sa nangyaring sunog, 20 sa mga ito ay nagamot na at nakalabas na ng ospital habang sampu pa ang naka-confine sa military hospital.

Anim sa mga nasugatan ang nananatili pa rin sa V. Luna Hospital, habang apat naman sa mga ito ang nasa pangangalaga pa rin ng Army General Hospital.

Inilipat naman sa ospital ng Makati at ospital ng Taguig ang dalawang fire volunteer na na nadamay sa pangyayari.

Sa ngayon ay wala pang plano ang Philippine Army kung babaguhin na ang istruktura ng imbakan ng kanilang ammunition at armas.

Ayon kay Detoyato, kinakailangan munang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad.

Aniya, “We have to rely on the result of the investigation.” (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481