Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Hiling ni ex-FG Mike Arroyo na bumiyahe sa Europa, pinayagan ng Sandiganbayan

$
0
0

Ang masayang si dating First Gentlemen Atty. Mike Arroyo (right) kasama si Atty. Ferdinand Topacio (left) sa hall way ng Sandiganbayan. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kinatigan ng korte ang petisyon ni dating first gentleman Jose Miguel Arroyo na makabiyahe sa Europa.

Ayon sa Sandiganbayan Fifth Division, maaaring magtungo si Arroyo sa United Kingdom, Scotland, France at Italy mula Mayo 17 hanggang Hunyo 10 subalit may kondisyon.

Una rito ay hindi maaaring bumiyahe si Arroyo sa iba pang bansa maliban sa apat na nabanggit.

Hindi maaaring mapaaga ang alis o mahuli man sa tinakdang petsa ang balik nito sa Pilipinas.

Pagbalik sa bansa, kailangan ay personal na isumite nito sa korte ang kopya ng kaniyang pasaporte na may stamp mula sa Bureau of Immigration.

Si Mike Arroyo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa umano’y maanomalyang PNP chopper deal.

Nakatakdang dinggin ng korte ang naturang kaso sa ika-16 ng Hunyo. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481