Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Guingona, nagtakda ng pagpupulong kaugnay sa Napoles list

$
0
0

FILE PHOTO: Senate Blue Ribbon Committee Teofisto Guingona III and Pork Barrel Scam suspect Janet Lim Napoles (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inaasahang magdaraos ng caucus sa Lunes, Mayo 12, ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee ayon sa chairman nito na si Senador Teofisto Guingona III.

Batay sa statement na inilabas ng tanggapan ni Guingona, muling magsasagawa ng pagdinig sa PDAF scam kaugnay ng mga panawagan na ipagpatuloy ito.

Ayon sa tanggapan ni Senador Guingona, sisimulan na rin ang pagdinig sa Malampaya fund scam ngunit hindi sinabi kung kailan ito uumpisahan.

Naniniwala naman si Senadora Grace Poe-Llamanzares na kinakailangan nang ilabas sa publiko ang Napoles list upang maipagtanggol at maibigay ang panig ng mga kasama sa listahan.

Ayon sa senadora, sangkot rin sa PDAF scam ang nagbigay ng listahan kaya dapat lang na mabusisi ito ng husto.

“Kapag inilabas ang listahan na iyon, hindi naman ibig sabihin na lahat ng nakalista doon ay totoo ngang kasangkot. Kailangan pa din nating gawin ang ating trabaho upang siyasatin kung ito nga ba ay makakatotohanan o hindi sapagkat natural lamang na magkaroon tayo ng duda dito.”

Nirerespeto naman ni Senador Bam Aquino ang ginawang pagberipika ni Justice Secretary Leila De Lima sa listahan, subalit kailangan pa rin aniyang maihayag na ito sa publiko sa lalong madaling panahon.

Sa panig naman ng Whistleblowers Association of the Philippines na may kopya rin ng Napoles list, hindi sila magdadalawang isip na ilabas sa publiko ang kanilang listahan kung magkakaroon ito ng pagkakaiba sa listahang hawak ni De Lima.

“Dapat nang ilabas ni Delima yang mga listahan na yan para malaman ng tao para pagdating ng 2016 wag na nating tiwalaan,” pahayag ni Sandra Cam, presidente ng Whistleblowers Association of the Philippines .

Dagdag pa nito, “Gumagawa po kami para sa bayan, wala naman kami napapala dito kaya lang nandito na kami we fought a hard fight against the goliath slash GMA ito pa kaya palalampasin namin.” (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481