Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating COA chief Reynaldo Villar, pinayagan nang makapagpiyansa sa kasong plunder

$
0
0
FILE PHOTO: Commission on Audit (COA) chief Reynaldo Villar (UNTV News)

FILE PHOTO: Commission on Audit (COA) chief Reynaldo Villar (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si dating Commission on Audit (COA) chief Reynaldo Villar sa kaso nitong plunder o pandarambong kaugnay ng maanomalyang paggastos sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa walong pahinang desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division, pinayagan nito na magpiyansa si Villar na nagkakahalaga ng P1.2-million.

Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, mahina ang mga ebidensya ng prosekusyon na magpapatunay na may direktang partisipasyon ito sa paglalabas ng mga dokumento.

Ang PCSO plunder case na nakahain sa Sandiganbayan ay inihain nina Jaime Regalado, Risa Hontiveros at dating Army General Danilo Lim noong Hulyo 26, 2011.

Ito ay ang umano’y maanomalyang paggamit ng mga akusado sa P336 million intelligence fund ng PCSO.

Pangunahing akusado sa kaso sina dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo, dating PCSO Chairman Serio Valencia, dating PCSO Assistant General Manager for Finance Benigno Aguas, at dating PCSO Board Member Raymundo Roquero.

Kasama rin sa kaso sina dating PCSO board director Jose Taruc V, Maria Fatima Valdes at Manuel Morato.

Bagama’t walang piyansa ang kasong plunder, ilan sa mga akusado ay pinayagan ng korte na magpiyansa dahil sa kakulangan ng ebidensya laban sa kanila.

Maliban kay Villar, una nang pinayagan ng Sandiganbayan na magpiyansa sina Taruc, Valencia, Morato at Roquero.

Nobyembre noong nakaraang taon unang dinismiss ng Sandiganbayan ang petition for bail na inihain ng kampo ni CGMA kaunay sa naturang kaso, subalit nito lamang buwan ng Enero ay naghain ng reply to prosecution’s opposition ang mga abugado ni ng dating pangulo kung saan iginiit ng mga ito na payagang magpiyansa ang kongresista gaya ng pagpayag ng korte sa ibang mga akusado. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481