Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Milyun-milyong piso nalulugi sa mga negosyante sa Davao City araw-araw dahil sa mga rotational brownouts

$
0
0

FILE PHOTO: Bahagi ng isang mall sa Davao kung saan ay nakatayo ang mga letra ng lalawigan. (CHERRY MAE CAHUCOM / Photoville International)

DAVAO, Philippines — Milyun-milyong piso ang tinatayang nalulugi sa mga negosyo sa Davao City dahil sa nararanasang rotational brownouts ng lungsod.

Ayon sa Davao City Investment and Promotion Center umaabot sa 5 hanggang anim na milyon piso kada oras ang nawawalang kita sa mga negosyo sa lungsod dahil sa 4 hanggang limang oras na brownout.

Ayon sa City Tourism Office, isa sa mga apektadong sektor din ay ang turismo dahil may ilang mga foreign and local tourist na ang nagdadalawang isip na magbakasyon sa lungsod ng malaman na nakararanas na rin ng power outage ang Davao City.

Maging ang iba’t-ibang mga meeting at convention sa Davao City ay apektado na rin ng problema sa kuryente.

Sa ngayon, tanging ang real estate sector lamang ang hindi apektado ng mga brownout dahil tuloy pa rin ang pagtatayo ng mga subdivision at iba pang imprastraktura sa Davao City.

Hinihikayat naman ng Davao City Investment and Promotion Center ang mga negosyante na bumili na lang ng mga generator set upang magpatuloy ang operasyon ng kanilang mga negosyo kasabay ang pakiusap na unti untiin lang ang pagpapatong ng kanilang karagdagang gastos sa generators at gasolina sa mga consumer.

Samantala sinabi naman ng Davao Light and Power Company na nagbalik na sa operasyon ang isa sa mga planta ng Steag sa Misamis Oriental kayat nakakuha na ang DLPC ng 20 megawatt na supply mula sa planta.

Bagamat kulang pa ang nadagdag na 20 megawatt ay makababawas na rin anila ito sa haba ng oras ng brownout sa lungsod.

Sa katunayan anila ay hindi na nagpatupad ng brownout ang DLPC sa off peak hours nito na 8pm hanggang 8:00am. (LOUELL REQUILMAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481