Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

CIDG, nakahanda sa pag-aresto sa ilang senador na nahaharap sa kasong plunder

$
0
0

PNP-CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) na sila ang maghahain ng warrant of arrest sa tatlong senador na nahaharap sa kasong plunder dahil sa PDAF scam.

Sa ngayon ay nasa Ombudsman na ang naturang kaso at inaantabayan pa ang pagsasampa nito sa Sandiganbayan.

Ayon kay CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong, nakahanda na sila anomang oras sakaling ipag-utos na ng korte ang pagaresto sa mga ito.

“We have to be prepared, alam namin na may impending situation so we anticipate na merong mangyayari. Part of our responsibility na we plan for it, come up with the contingency plans para kung saka sakaling dumating andon na kami, ready na kami.”

Napaulat na nakipag-usap na rin si Magalong kay Senate President Franklin Drilon sa senado hinggil sa gagawing pagaresto sa tatlong senador subalit itinanggi ito ng opisyal.

Samantala, kinumpirma na rin ng PNP na inaayos na at nilinis na ang ilang selda sa custodial center para sa mga aarestuhing high profile personality.

“May kaunting pagaayos at paglilinis na ginagawa just in case may mga orders from the court na kailangang ilagay na high profile detainees sa PNP Custodial Center,” pahayag ni PNP-PIO Chief, P/CSupt. Reuben Theodore Sindac.

Ang PNP Custodial Center ang pinagdadalhan sa mga high profile individual tulad ng ilang mga dating opisyal ng PNP na kinasuhan dahil sa katiwalian na kinabibilangan nina Gen. Avelino Razon, Gen. Geary Barias, maging si Col. Rommel Miranda na may kasong murder, at ang mataas na lider ng NPA na si Benito Tiamzon at asawa nitong si Wilma Tiamzon. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481