Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tubig sa Magat Dam, malayo pa sa critical level; mga mangingisda, pinayuhan sa pag-aalaga ng tilapia

$
0
0

FILE PHOTO: The almost completely dried up soil bed of the Magat dam is seen in Ramon, Isabela province, the province most affected by El Nino, north of Manila March 3, 2010. CREDIT: REUTERS/CHERYL RAVELO

ISABELA, Philippines – Bagama’t malayo pa sa 160 meters na critical level ang tubig sa Magat Dam sa Ramon, Isabela, pinaiiwas na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 ang mga fishpond at fish pen operator sa pag-aalaga ng tilapia.

Pangunahin ang Magat Dam sa nagsu-supply ng tubig sa mga palaisdaan sa lugar.

Ayon kay Dr. Milagros Morales, Regional Director ng BFAR-2, mas makabubuting huwag munang mag-alaga ng tilapia ngayong tag-init dahil sa banta ng fish kill.

“Ang magiging epekto nito lalo na sa mga fishpond areas natin bababa ang level ng tubig iinit yung tubig. Kapag mababa na ang level ng tubig iinit ito at chances are magkakaroon sila ng fish kill.”

Upang maiwasan ang fish kill, ipinapayo ng BFAR na huwag mag-overloading ng mga alagang tilapia sa mga fishpond. Dapat ring siguruhin ng mga fishpond operator na tama lamang ang pagpapakain sa mga isda. Kapag sobra ang pagkain ng mga isda, nagkukulang ang dissolved oxygen sa tubig.

“Sa ating mga fishpond operator tignan lang natin kapag wala tayong continues supply of fresh water wag na tayong mag stock this point in time,” saad pa ni Morales.

Samantala, tiniyak naman ng BFAR na hindi magkakaroon ng shortage ng tilapia at sapat pa ang suplay ng isda sa buong rehiyon.

Ayon sa pamunuan ng Magat Dam, sa kasalukuyan ay nasa 168.88 meters pa ang lebel ng tubig sa dam at wala pang dapat ikabahala ang mga may-ari ng mga palaisdaan. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481