Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente sa Davao City, tataas kahit may rotational brownout

$
0
0

Davao Light and Power Company facade (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Nagpauna na ang Davao Light and Power Company na nagsusuplay ng kuryente sa lungsod na paghandaan na ang pagtaas sa kanilang singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Ito ay sa kabila ng nararanasang rotational brownouts sa lungsod.

Nito lamang unang linggo ng Mayo, inanunsyo ng kumpanya ang dalawa hanggang apat oras na brownout sa Davao City at humaba pa ito sa pitong oras sa sumunod na linggo dahil pa rin sa kakulangan sa suplay ng kuryente mula sa mga energy source.

Paliwanag ng Davao Light and Power Company, napilitan silang magtaas ng singil sa kuryente dahil na rin sa pagtaas ng generation charge ng mga energy provider na gumagamit ng fuel fired power plant na pumuno naman sa kakulangan sa supply mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Paghandaan na umano ang 0.45 centavo per kilowatt hour (kWh) na increase sa babayarang kuryente ngayong buwan.

Nangangahulugan ito ng P78.75 na dagdag bayarin para sa average residential costumer na kumukunsumo ng 175 kWh.

Samantala, sinabi rin ng pamunuan ng kumpaniya na nagsimula na ring umiksi ang oras ng brownout sa lungsod matapos na magbalik operasiyon ang coal fired power plant ng Steag State Power Plant sa Misamis Oriental.

Umaabot na lang sa dalawa hanggang apat na oras ang power outage tuwing peak hours at wala na ring brownout sa off peak hours na 8pm hanggang 8am.

Nakatakda namang magsagawa ng power forum ang Davao City Chamber of Commerce and Industries Incorporated sa Mayo 16 upang pag-usapan kung paano makatutulong na masolusyunan ang problema sa rotational brownout.

Pinaghahandaan na rin ng lahat ang posibleng pagpasok ng El Niño phenomenon na magpapatuyo sa mga sapa at ilog na pinagkukunan ng tubig
ng mga hydro power plant. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481