Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Digital files ni Benhur Luy kaugnay sa PDAF scam, ipinasusumite na rin ng Senado

$
0
0

FILE PHOTO: Pork Barrel Scam Whistleblower Benhur Luy (PRIB Photo by Joseph Vidal / 7 November 2013)

MANILA, Philippines — Binigyan ng taning ng Senate Blue Ribbon Committee ng hanggang Mayo 21 si whistleblower Benhur Luy para maisumite ang hawak nitong soft copy o digital file patungkol sa mga sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

“The Blue Ribbon Committee already filed a subpoena duces decum to produce these digital files,” pahayag ni Senate President Franklin Drilon.

Nito lamang nakaraang Miyerkules, lumabas sa isang broadsheet newspaper ang pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.

Ang listahan at impormasyong ito umano ay nanggaling sa hard drive ni Benhur Luy na ibinigay ng mga magulang ng whistleblower sa opisina ng nasabing pahayagan noong Abril 27, 2013.

Nilinaw naman ni Senate President Franklin Drilon na ang subpoena na naka-address kay Luy ay hindi para sa isang hearing o pagdinig kundi para maibigay lamang sa Senado ang nasabing digital files.

“Yes, I signed the subpoena duces decum not for a hearing ha but for this digital address to Benhur.”

Base naman sa naging pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima nitong Miyerkules, mayroong kopya ng hard drive ni Benhur Luy ang DOJ at NBI ngunit inaalam pa ang authenticity nito.

“Alam ninyo, yung hard drive na yan, mayroon din niyan ang NBI, mayroon kami niyan., at pinao-athenticate pa yan,” saad ng kalihim. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481