MANILA, Philippines — Walang Pilipino na nasaktan o nasawi sa anti-China riot sa Vietnam.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, patuloy na nakikipag-coordinate ang embahada ng bansa sa Filipino community doon upang matiyak ang kaligtasan ng ito.
Nasa 5,500 ang mga Pilipino sa Vietnam na karamihan ay professional.
Paglilinaw ng DFA, walang travel alert sa Vietnam. (UNTV News)