MANILA, Philippines – Tinatayang tataas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong buwan ng Hunyo.
Una nang nagtaas ang Petron ng 15-sentimos sa presyo ng kada kilo ng LPG habang 8-sentimo naman sa auto LPG.
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng Solane at EC Gas.
Ayon sa Isla LPG at Eastern Petroleum, ito ay dahil wala silang nakikitang malaking pagbabago sa contract prices ngayong Hunyo.
Samantala, wala pang abiso ang iba pang kumpanya kaugnay sa LPG price adjustment. (UNTV News)
↧
Presyo ng LPG, posibleng tumaas ngayong Hunyo
↧