Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2013 Ten Outstanding Policewomen, nag-courtesy call kay Pangulong Aquino

$
0
0

Ang sampung outstanding policewomen ng taong 2013 kasama ang Pangulong Benigno Aquino III (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nag-courtesy call ngayong umaga ng Martes kay Pangulong Benigno Aquino III ang sampung outstanding policewomen ng 2013 na napili ng Zonta Club of Makati Paseo De Roxas Foundation Inc.

Ilan sa pinarangalan ay sina P/Insp. Arieza Otida, SPO3 Melinda Amsali, P/Supt. Maria Camarao, P/Chief Insp. Gemma Braganza, PO3 Annaliza Flores, SPO1 Cheryl Saldo, P/SInsp. Jovelyn Banares, PO2 Cherly Lyn Wagas Ano-os, at P/SSupt. Herminigilda Salangad.

“Tunay po: kayong mga awardees ay bantayog ng pinakamabubuting katangian ng Pilipino, at nagsisilbing mukha ng pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan. Dahil sa mga gaya ninyo, lalong nagiging pursigido ang inyong gobyerno sa pagpapaunlad ng inyong kakayahan. Ang hangad natin: kung paanong pagkalinga ang ipinapamalas ninyo sa ating mga kababayan, ay siya ring pagmamalasakit ng estado ang dapat na inilalaan para sa inyo,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Aquino sa courtesy call ng mga pulis sa Malakanyang.

Inihalimbawa rin ng pangulo ng pagiging matapat sa serbisyo ang apat na kababaihang pulis na rumesponde nang may magtangkang magnakaw sa Mall of Asia sa Pasay City.

Sinabi rin ng pangulo sa mga awardee na ipakita ang kanilang katapatan hanggang sa tumaas ang kanilang mga ranggo.

“Ang hamon at atas ko sa bawat kasapi ng ating kapulisan: kung paanong sigasig ang ipinapakita ninyo habang nagsisimula pa lang sa serbisyo, ay siya rin sanang sigasig ang dalhin ninyo hanggang tumaas ang inyong ranggo. Maging totoo kayo sa inyong sinumpaang tungkulin, sa ngalan ng ating mga boss—ang taumbayang umaasa sa inyo, at nag-aambagan para itaguyod ang inyong kapakanan,” dagdag pa ng pangulo. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481