Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Operasyon ng 31 hemodialysis machines ng NKTI, posibleng ituloy sa susunod na linggo  

$
0
0

Screenshot of NKTI Website

QUEZON CITY, Philippines — Sinusuri na sa kasalukuyan ang 31 hemodialysis machines ng National Kidney and Transplant Institute.

Ito’y matapos makaranas ng panginginig ang 44 pasyente nito noong nakaraang linggo.

Sa susunod na linggo ay posibleng ibalik na ang serbisyo ng hemodialysis unit kapag natiyak na ligtas na muli itong gamitin.

Kada linggo ay nasa 120 pasyente ang sumasailim sa dialysis treatment sa NKTI.

Sa ngayon ay hindi muna tumatanggap ng bagong pasyente ang NKTI para sa hemodialysis.

Ang mga dati na nilang pasyente ay ginagamot sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng iba pang pamamaraan ng dialysis o peritonial dialysis.

“If a patient need a dialysis now, we put them on peritoneal dialysis,” pahayag ni Dr. Romina Danguilan ang head ng  Hemodialysis unit sa NKTI.

“Yung half of them are already doing well hindi na nag-recur yung chills. Yung 20, ino-observe pa rin po natin,” dagdag pa ni Dr. Danguilan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481