Umakyat na sa 282 mula sa dating 100 ang bilang ng mga nasawi sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (Mers-CoV) sa Saudi Arabia.
Ito ang lumabas sa isinagawang national review ng Saudi hospital mula nang lumabas ang MERS-CoV noong 2012.
Ayon sa Saudi Health Ministry, sa kabila ng biglang pagtaas ng death toll ay kakaunti na lamang ang dinadapuan ng nakamamatay na sakit.
Napag-alaman na inalis na ang deputy health minister ng Saudi Arabia dahil sa hindi maayos na paghawak sa krisis. (UNTV News)