Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga public school sa downtown area sa Davao City, siksikan sa dami ng estudyante

$
0
0

Ang mga pangangailangan sa edukasyon sa Davao Region. (DEPED / UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines —  Tulad sa Metro Manila, problema din sa Davao City ang paglobo ng bilang ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepED-11), isa sa dahilan nito ay ang pag-e-enroll ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga public school sa downtown area kahit mayroon namang mas malapit na eskwelahan sa kanilang tirahan.

Naniniwala umano ang mga ito na mas maganda ang pagtuturo sa mga paaralan na nasa sentro ng lungsod.

Inihalimbawa ni DepED Region 11 Spokesperson Lito Atillo ang Magallanes Elementary School, Kapitan Tomas Monteverde Elementary School at Sta. Ana National Highschool na malalaking paaralan ngunit siksikan naman sa dami ng mag-aaral.

Samantalang ang mga maliliit na paaralan naman ay nangangailangan pa ng enrollees.

Mariin namang pinabulaanan ng DepED na mas maganda ang turo sa malalaking paaralan.

Paliwanag ng kagawaran, iisang teaching system lamang ang sinusunod sa lahat ng public schools sa buong bansa.

Bunsod nito, hinimok ng DepED ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak sa mga eskwelahang malapit sa kanila dahil bukod sa pareho din ang matutunan ay makababawas pa sa gastos. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481