Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Reggae entry ng ASOP year 3 commemorative album, ini-record na

$
0
0

Ang composer at interpreter ng “Kislap” na sina Oliver Narag at Jessamae Gabon sa BMPI Recording Studio para sa kanilang bahagi sa production ng ASOP Year 3 Commemorative Album. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sumalang na sa recording ang ikalawang entry ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival year 3 commemorative album.

Ang awiting “Kislap” na komposisyon ni Oliver Narag ay ang kauna-unahang entry na nakasali sa naturang album na may reggae beat.

“Sa arrangement napakaganda, para akong narerelax pag pinapakinggan ko sya,” pahayag ni Oliver.

Nagdulot ang bagong areglo ng awit ng pag-indak habang nire-record sa interpreter nitong si Jessa Mae Gabon na isa sa grand finalist noong unang taon ng ASOP.

“Ang lakas nyang maka-beach. Dapat yung genre ng mga praise song, dapat nakaka-relax sya para mas madaling ma-absorb ng mga nakikinig,” ani Jessa Mae.

Naging madali rin kay Jessa Mae ang proseso ng recording na sinupervise ng ASOP album producer at BMPI Recording Studio Manager na si Doc Mon Del Rosario.

“Nung una pa lang nain-love na talaga ako dun sa kanta so yun yung factor kung bakit napabilis po yung recording and sobrang galing din po ng nagbantay dito, yung nag-produce din po ng ating session for today, si Doc Mon,” saad pa ni Jessa Mae.

Handa naman si Oliver kung anuman ang magiging resulta ng grand finals sa September.

Mas gusto umano nito na maibahagi sa ibang tao ang nilalaman ng kanyang likhang-awit.

“Akala nila kasi yung praise song parang nakaka-boring, nakaka-antok, hindi nila alam napakasarap magpuri sa Panginoon, hindi lang laging malungkot, yung parang gusto mo ring magbigay ng saya.”

Maririnig ang kabuoan ng awiting “Kislap” kasama ang iba pang song finalists sa September 23 sa Smart Araneta Coliseum. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481