Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DepED Command Center, hanggang Biyernes na lang

$
0
0
DepEd Command Center

DepEd Command Center

MANILA, Philippines —  Hanggang Biyernes na lang magbibigay ng serbisyo ang command center ng Department of Education (DepED) na bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2014.

Sa mga magulang at estudyante na may katanungan, magtungo lamang sa DepED main office, simula ala-7 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang DepED ng kabuoang 271 inquiries, requests, suggestions at recommendations dito.

Nasa 219 na sa mga ito ang naaksyunan na ng kagawaran, habang nasa 39 na ang nai-refer sa iba’t-ibang eskwelahan, at 13 ang kailangang i-follow up.

Bagama’t hanggang bukas na lamang ang command center, sinabi ni DepED Asec. Tonesito Umali na tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo ng kagawaran sa pamamagitan ng DepEd DeTXT Action Center.

Sa lahat ng may katanungan, sumbong at anumang suggestion maaari pa ring mag-txt sa 09194560027 o tumawag sa 636-16-63 o di kaya ay mag-email sa action@deped.gov.ph.

Samantala, nilinaw ni Umali na wala pang opisyal na deadline ang pagtanggap ng mga enrollee sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Aniya, mahalaga lamang na magkaroon ng sapat na dahilan kung bakit nahuli sa pagpapaenroll ang isang estudyante.

“Kung mayroon naman silang klaro at sapat na dahilan kung bakit sila nahuli, sila pa rin naman ay ating tatanggapin,” saad ni Umali. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481