Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Human Rights Victims Claims Board, nanawagan na huwag pagsamantalahan ang mga biktima ng Martial Law

$
0
0

Human Rights Victims Claims Board Chairperson Lina Sarmiento (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nakapagtala na ng mahigit sa tatlong daan na natatanggap na aplikante ang Human Rights Victims Claims Board para sa biktima ng Martial Law na nais makakuha ng kompensasyon.

Suhestyon ni HRVCB Chairperson Lina Sarmiento, agahan ng iba pang Martial Law victims ang pagsumite ng application  sa kanilang tanggapan sa UP Diliman at huwag ng hintayin pa ang November deadline.

“Kung titingnan natin yung datos ng mga nag-apply sa class suit, 600 dito sa Metro Manila. So, medyo lampas na tayo sa kalahati considering na wala pa tayong 1 buwan. Pero nanawagan tayo sa ating mga kababayan na kung maaari [ay] huwag na nilang hintayin ang deadline na November 10, 2014 para sila ay mag-file ng application,” ani Chairperson Sarmiento.

Sa Lunes ay magkakaroon ng caravan sa Angeles City Session Hall upang bigyan ng pagkakataon ang mga biktimang malapit sa lugar upang makapag-file ng kanilang aplikasyon.

Magsasagawa rin ng caravan sa iba pang lugar sa bansa.

Pahayag pa ni Sarmiento, “Abangan nila yung ating mobile team sa kanilang mga lugar para hindi na sila pumunta sa atin dito sa ating opisina sa UP Diliman.”

Nanawagan naman si Sarmiento sa mga gustong tumulong na sana ay gawin na lamang itong libreng serbisyo at huwag nang pagbayarin pa ang mga claimant.

Ito ay dahil sa may  nakararating sa kanilang balita  na may mga kumukontrata sa mga biktima ng Martial Law na ang kapalit ay bahagi sa  salapi na matatanggap mula sa gobyerno.

Ani Chairwoman, “Yung isang [nababalitaan] ay 10% yung hinihingi, yung isa namang narinig natin sa bandang Visayas 30% naman daw ang hinihingi kung sakaling makapag-claim yung taong in-approach nila.”

Nagbabala rin ang claims board sa publiko na mag-ingat sa mga posibleng magpanggap na konektado sa kanilang opisina at tutulungan silang mapabilis ang proseso ng kanilang application.

Nilinaw ni Sarmiento na libre ang mga application forms at maaari itong ma-download sa kanilang website na  www.hrvclaimsboard.gov.ph.

“Wala kaming sinomang binigyan ng pahintulot na maging ahente namin o mag-offer ng kanyang serbisyo na may kapalit na bayad.”

Bilin ng claims board sa mga aplikante na dalhin ang dokumentong makapagpapatunay na sila ay biktima ng Martial Law.

“Maaaring ang ibidensyang ito ay isang kopya ng ASO, PDA o PCO. Maaaring release orders at iba pang dokumento na maaaring magpatunay na siya ay naging biktima talaga.”

Maaari ding makipag-ugnayan sa claims board sa 09995059737. (REY PELAYO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481