MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang executive order na nagdedeklara ng State of Emergency sa mga lugar na apektado ng infestation ng coconut scale insects.
Sa ilalim ng Executive Order No.169, isang insect pest attacking plant leaves na may scientific name na Aspidiotus Rigidus ang umaatake sa mga namumunga at hindi pa namumungang puno ng niyog sa mga coconut farm sa Calabarzon Area.
Mayroon din iniulat na scale insect infestations sa ibang probinsya sa Mindanao area.
Dahil dito inatasan ni Pangulong Aquino ang Philippine Coconut Authority, Office of the Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization at iba pang ahensya ng pamahalaan na bumuo ng mga emergency measures upang malunasan ang naturang peste.
Ang Pilipinas ang top supplier ng coconut products sa world market at isa sa may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. (UNTV News)