MANILA, Philippines — Hindi pa rin nasasampahan ng reklamo ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng mahigit isang libong AK-47 riffle.
Labing siyam na pulis ang idinadawit sa naturang kaso kabilang na ang limang heneral.
Ayon kay Police Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, hindi pa nakapagsusumite ng affidavit si Isidro Lozada na siyang bumili ng mga baril sa pamamagitan umano ng pondo ng New Peoples Army (NPA).
Samantala, inamin din ni Sindac, na napaaga ang pagsasapubliko ng CIDG ng mga pangalan ng mga isinasangkot na heneral gayong patuloy pa itong iniimbestigahan. (UNTV News)