MANILA, Philippines – Pinapaalalahanan ng Department of Education (DepED) ang mga local government official kaugnay sa maagang pagsususpinde ng klase sa mga paaralang nasasakupan.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng PAGASA kanina na simula na ang tag-ulan sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order no. 66, awtomatiko ang suspension ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno batay sa signal na inilabas ng PAGASA.
Signal No. 1: Walang klase sa pre-school level na apektado ng bagyo.
Signal No. 2: Walang klase mula pre-school hanggang high school.
Signal No. 3: Walang klase mula pre-school hanggang college gayundin
sa tanggapan ng gobyerno.
Kung wala namang nakataas na babala ng bagyo, nasa mga local chief executive ang desisyon kung magpapatupad ng suspensyon.
Ngunit dapat ay ideklara ito bago mag-ala-5 ng madaling araw upang hindi na papasukin sa eskwela ng mga magulang ang kanilang mga anak. (UNTV News)
↧
Maagang pagdedeklara ng class suspension ngayong tag-ulan, muling pinaalala ng DepED sa LGU’s
↧