Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Banggaan ng dalawalang truck sa QC, isa ang sugatan

$
0
0

Ang 6 wheeled truck na bumangga sa likod ng isang 10 wheeled truck habang bumubuhos ang malakas na ulan sa northbound lane ng Katipunan Avenue, QC
(UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang isang tsuper matapos bumangga ang minamaneho nitong truck sa isang 10 wheeled truck na may dalang mga bakal, alas-2:30 kaninang madaling araw, Martes, sa northbound lane ng Katipunan Avenue, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Dorado.

Ayon sa driver ng 10 wheeled truck na si Rodel Elcarte, papaliko ito sa isang construction site sa Katipunan Avenue nang biglang sumalpok sa likuran nito ang 6 wheeled truck na minamaneho ni Dorado.

“Dahan-dahan ako, naka-signal naman ako bigla na lang sumalpok sa puwitan ng truck,” pahayag ni Elcarte.

Madulas na kalsada ang sinasabing dahilan ng aksidente na dulot ng biglang buhos ng malakas na ulan kaninang madaling araw.

Sa tulong ng MMDA Rescue Unit ay nailabas sa loob ng sasakyan si Dorado at mabilis na isinugod sa East Avenue Medical Center. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.