Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DENR Sec. Ramon Paje, pasado na sa committee level ng CA

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng ika-walong pagsalang sa Commission on Appointments kanina, nakuha na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje ang pag-endorso ng Committee on Environment and Natural Resources upang syay makumpirma.

“Ako’y natutuwa nagdesisyon na sila finally after 4 long years and I will be confirm,” pahayag ni Paje.

Ngunit bago ito, nagsilbing oppositor sina dating Agham Partylist Congressman Angelo Palmones at Elizabeth Caranza ng Sierra Madre Network.

Bukod sa kanila, hindi pa rin kumbinsido si Senator Sergio “Serge” Osmeña III sa mga sagot ng kalihim sa isyu ng illegal logging, illegal mining, at illegal quarrying.

Dismayado ang senador subalit wala naman aniya syang magagawa kung nais nang tapusin ng mga kongresista ang pagdinig kay Paje.

“Yes, I’m disappointed but now I can rest. Wala akong magagawa they want to vote on it and I don’t want to block the right to vote. There are lots of contradictions, there are many issues, it’s mostly nahihirapan sya, alam nyo naman na matagal na itong mga kalokohan dyan,” saad ng senador.

Bukas, nakatakda nang sumalang si Paje sa plenaryo ng Commission on Appointments.

Ayon kay Osmeña, kung may pagkakataong makaboto, negatibo ang boto niya para sa kumpirmasyon ni Paje.

“Out voted na ako eh, buo yung house eh ako lang mag-isa. Di ba maraming kinukwestyun dyan sa mga gabinete ni PNoy to lack of competence but they still back them up and that’s the prerogative of the president, it’s a pitty for the country, so what can we do,” saad pa ni Osmeña.

“You know this is democracy at work, ang kagandahan sa nangyari sa amin eversince na akoy isinasalang dito, ang question are mostly on my task and policy not on he competency. I think wala naman akong issue doon,” pahayag naman ni Paje. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481