Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga performer sa Isang Araw screening sa CAMANAVA, nagustuhan ang mainit na pagtanggap ng mga manonood

$
0
0

Ang Valenzuela Astrodome sa Valenzuela City na dinagsa ng ating mga kababayan sa CAMANAVA upang panoorin ang pelikulang Isang Araw sa panulat at direksyon ni Kuya Daniel Razon. (Ramonchito Ramirez Doria / Photoville International)

MANILA, Philippines — Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa mga performer na nakasama sa special screening ng pelikula ni Kuya Daniel Razon na Isang Araw sa Valenzuela Astrodome sa Valenzuela City.

Katulad ng mga nakaraan screening, isang maliit na programa ang inihanda ng produksyon ng Isang Araw movie para sa mga manood bago ang aktwal na pagpapalabas ng pelikula.

Muling ipinadinig ni Freestyle vocalist Ava Olivia Santos ang kanyang rendisyon sa komposisyon ni Kuya Daniel na “Story of My Life”.

“Mas gusto ko masa eh as a singer mas gusto ko kasing kinankantahan yung mas masa kasi mas sila yung nakikinig, hindi naman sa hindi nakikinig yung sosyal, kasi mas nararamdaman kong ipahatid sa kanila, mas nakikita mong nag-rereact sila,” saad ni Ava.

Ito naman ang pangatlong pagkakataon na kasama sa movie tour ang singing champion na si Reymond Sajor, ang nag-interpret ng isa pang komposisyon ni Kuya Daniel na “Alay Sa‘yo”.

Ikinatuwa ng singer ang pagsabay sa kanya ng mga manonood habang umaawit.

“Every time kasi na kumakanta ko dito, talagang it’s really overwhelming palagi. Pero ngayon yung audience talaga parang cheerful sila eh pinakikita nila na they appreciate the song or your presence,” pahayag ni Reymond.

Muli ring nakasama sa programa ang composer at singer ng theme song ng Isang Araw na si Doctor Musiko Mon Del Rosario.

“All of the places na nakapag-screening na very warm ang pagtanggap. Alam mo ako sensitive ako sa vibration ng air, dito nararamdaman ko, in all of the screening, naramdaman ko yung positive na response ng mga tao,” saad ng composer/singer.

Matapos ang screening ay nagpahatid pa ng mensahe ang mga manonood para ay Kuya Daniel Razon at Brother Eli Soriano dahil sa mga natutunang aral sa naturang pelikula. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481