SÃO PAULO, Brazil – Naabala ang daan-daang commuter at mga turista sa isinagawang strike ng mga subway worker sa São Paulo, Brazil tatlong araw bago magsimula ang World Cup 2014
Nagkagirian ang mga pulis at subway worker na nag-protesta sa central commuter stations.
Una rito, nagpakawala ng tear gas ang mga riot police upang buwagin ang mga demonstrador.
Bagama’t kalahati ng subway stations ng siyudad ang patuloy ang operasyon, naapektuhan naman ang serbisyo nito. Pahirapan din ang pagkuha ng taxi na siyang ikinakadismaya ng mga turista.
Aabot sa limang milyong manggagawa ang gumagamit ng mga subway sa São Paulo upang makapasok sa trabaho kaya tiniyak ni Mayor Fernando Haddad na resolbahin ang problema.
“We are seeking this solution not just for the upcoming big event coming up but as a right of the workers of Sao Paulo to have a judicial decision fulfilled so that normalcy can return to the city.”
Sa ngayon ay pansamantalang sinuspinde ng mga subway workers ang kanilang strike ngunit nagbabala ang mga ito na babalik at muling magsasagawa ng protesta sa opening game ng World Cup.
“It was voted on at this moment that we return to work and that the strike is suspended and that we hold another assembly on the 11th. Maybe the strike will return on the 12th and this will depend on the readmission of the 42 workers who were fired,” pahayag ni Altino De Melo Prazeres, presidente ng Metro Workers Union.”
Ang subway train ang pangunahing transportasyon ng mga fan patungo sa Arena Corinthians Stadiums.
Ang stadium ay nasa 20 kilometers east ng central São Paulo kung saan karamihan ng mga turista ay doon nananatili. (Chris Perez / Ruth Navales, UNTV News)
↧
Strike ng mga manggagawa sa isang subway sa São Paulo Brazil, nagdulot ng perwisyo sa mga commuter
↧